^

Metro

1 pang taxi driver na holdaper, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang taxi driver ang nadakip matapos hol­dapin ang mga pasahero nito habang pinaghahanap pa ang dalawang kasabwat, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Victorio Duldulao Jr., 33, ng Brgy. 43 ng naturang lungsod.

Takot na takot namang nagtungo sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ang biktimang si Jocelyn Alit.

Batay sa imbestigasyon, alas-2:20 ng madaling-araw nang maganap ang panghoholdap malapit sa NAIA Terminal-3 ng naturang lungsod.

Ayon kay  Alit, kasama niya ang kanyang pamangkin na si Calyn Recto na sumakay sa taxi na minamaneho ng suspect na Val & Vangie Taxi (PYZ-465) sa naturang lugar­ at nagpapahatid sila sa Quezon­ City.

Habang binabagtas nila ang panulukan ng Andrew Avenue patungong Circulo Del Mundo, Pasay City  ay biglang itinigil ng driver ang kanyang taxi sabay na sumakay ang dalawang kasabwat at agad na tinutukan ng patalim ang magtiyahin at nagpahayag ng holdap. Kinuha ng mga suspect ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P2,000.

Nang makuha ang pakay ng dalawang lalaki, sinabihan pa ang driver na ihinto ang taxi at bababa ang mga ito.

Pagbaba ng dalawang lalaki ay nagsisigaw na ang biktima hanggang sa namataan sila ng mga barangay tanod na naging dahilan upang ma­aresto ang driver.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek na isa sa dalawang lalaki na sumakay sa kanya ay isang barker na nakilala lamang na alyas Roy.

Kung kaya’t inilagay sa selda ng mga pulis ang suspek at nahaharap ito sa kasong paglabag sa illegal possession of deadly weapon matapos makumpiskahan ito ng isang mahabang patalim sa loob ng kanyang minamanehong taxi.

vuukle comment

ANDREW AVENUE

CALYN RECTO

CIRCULO DEL MUNDO

JOCELYN ALIT

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

VANGIE TAXI

VICTORIO DULDULAO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with