^

Metro

Real estate broker, bulagta sa mag-amang parak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na binawian nang buhay ang isang 26-anyos na real estate agent,  nang makipagba­rilan umano sa mag-amang pulis na kanilang kinursunadang paputukan kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Kinilala ang nasawi na si Arwin Maliwat, ng Isla de Romero, Quiapo, Maynila  na nasawi bunga ng tinamong tama ng bala sa dibdib.

Agad namang tumakas ang kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas na Jerome.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section ang mag-amang pulis na sangkot sa barilan na nakilalang sina SPO1 Rolando Doroja at PO2 Percival Doroja, kap­wa nakatalaga sa MPD-Station 1 at residente ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, ban­dang ala-1:15 ng madaling araw nang maganap ang madugong insidente sa panulukan ng Velasquez St. at  Baltazar St., Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima at kasama nito ay magka-angkas sa motorsiklo nang mapatingin sa mag-ama at bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang biktima Agad umanong pinaputukan ng biktima ang grupo ng mag-ama na nag-iinuman malapit sa kanilang bahay.

Gumanti naman ang mag-ama ng putok ng baril kung saan ay bumulagta ang biktima na hawak pa ang kalibre .45 pistola. Agad namang tumalilis ng takbo lulan ng motorsiklo ang kasamahan nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

ARWIN MALIWAT

BALTAZAR ST.

CHARLES JOHN DURAN

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PERCIVAL DOROJA

ROLANDO DOROJA

VELASQUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with