^

Metro

68-anyos na lola, inatado ng binatilyo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 68-anyos na lola ang tinadtad ng saksak sa katawan ng isang bina­tilyo matapos na mapagka­malan ng huli ang una na isang masamang tao dala ng kalasingan sa lungsod, Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktima na si Violeta Garcia, biyuda ng Block 217, Lot 5, Rupee St., Brgy. North Fairview sa lungsod. Nasa kustodiya ng awtoridad ang sinasabing suspek na isang 17-anyos na bina­tilyo at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay PO2 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng isang pedestrian sa kahabaan ng Lira St., North Fairview Subdivision, Brgy. North Fairview, ganap na alas-3:15 ng madaling-araw.

Sinasabing naglalakad ang testigong si Gilbert Orogo sa lugar nang madis­kubre nito ang biktima habang duguang nakahandusay sa semento. Agad na inireport ni Orogo ang nakita sa barangay na siya namang tumawag ng pulis para sa imbestigasyon.

Samantala, ayon kay Quisumbing, nagawa nilang matukoy ang salarin habang nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa lugar, kung saan ilang hakbang ang layo sa crime scene ay lumabas umano ang binatilyo sa isang bahay na tadtad ng kalmot at may mga bakas ng dugo sa katawan.

Dahil dito, nagduda na umano sila at inim­bitahan ito sa himpilan ng pulisya.

Sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Camp Karingal, ay umamin ang binatilyo sa kanyang ama na siya ang may kagagawan ng naturang krimen.

Sabi ni Quisumbing, base sa inisyal nilang pagsisiyasat, nagawa umanong patayin ng binatilyo ang biktima, makaraang pumasok ang matanda  sa loob ng kanilang bahay.

Dahil nakainom ang suspek at madilim sa loob ng kanilang bahay, inakala umano nitong masamang tao ang biktima, dahilan para pagsasaksakin niya ito, at nang mapatay ay kinaladkad niya palabas ng bahay at iniwan sa nasabing lugar.

Bukod sa maraming saksak, may bakas din anya ng pangingitim sa leeg ng biktima at nakalilis din ang leggings nito nang makita sa lugar, subalit nangyari anya ito dahil sa ginawang pagkaladkad sa biktima. Wala din anya silang nakikitang indikas­yon na may naganap na panghahalay, gayunman hihintayin umano nila ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU habang inihahanda na rin ng pulisya ang paglilipat sa binatilyo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) subalit sasampahan pa rin ito ng kaukulang kaso dahil sa nangyaring pagpatay.

vuukle comment

ALVIN QUI

BIKTIMA

BRGY

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NORTH FAIRVIEW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with