^

Metro

Cedric Lee, 1 pa inilipat na sa BJMP jail

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inilipat kahapon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City si Cedric Lee at isa pang akusado matapos ibasura ng korte ang kahilingan ng mga ito na huwag silang ilipat ng kulungan o manatili sila sa pasilidad ng National Bureau of Investigation Division (NBI) hinggil sa mga kasong serious illegal detention at grave coercion na isinampa sa kanila ng aktor at TV host na si Vhong Navarro.

Sa pahayag  ni BJMP spokesperson Inspector Aris Villaester, ala-1:30  kahapon ng hapon  nang dumating  sa Camp Bagong Diwa ang convoy ng NBI na naghatid kina Lee at  isa pang akusado na si Simeon Raz.

Bilang bahagi ng proseso, muling kinunan ng mugshot, finger prints at medical records sina Lee at Raz.

Nabatid kay  Villaester, isang linggo munang mananatili sina Lee at Raz sa isolation room bago ilipat  sa regular na kulungan at makakasama ang mga pangkaraniwang bilanggo.

Sina  Lee at Raz ay kapwa akusado  sa kasong serious illegal detention at grave coercion  na isinampa sa kanila ni   Navarro matapos nilang gulpihin ito noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa condo unit na inuukupahan ng isa pang akusado na si Deniece Cornejo,  na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Nabatid na natuloy din  ang paglipat sa kanila sa  Taguig City Jail matapos ibasura ng korte ang kanilang apelang manatili sa detention cell ng NBI.

Makakasama na rin nina Atty. Gigi Reyes at Janet Lim Napoles si Deniece Cornejo dahil  kasamang ibinasura ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 ang apela nito (Cornejo)  sa parehong mga  kaso, na manatili sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) facility sa Camp Crame.

Kung kaya’t anumang oras ay inaasahang ililipat na rin si Cornejo sa kulungan ng BJMP sa Camp Bagong Diwa,  Bicutan, Taguig City.

vuukle comment

BICUTAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

RAZ

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with