^

Metro

Parak niratrat todas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis at malubha namang  nasugatan ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa isang Ford Everest, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot si SPO3 Rolando Lavarez, 54, naka­talaga sa Police Community Precint (PCP) 3, Muntinlupa City Police,  at naninirahan sa Antonio Compound, Sitio Fantastic, Brgy. Alabang ng naturang siyudad. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nilalapatan naman ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang live-in partner nito na si Madonna Belono, 33, nakatira sa naturang lugar sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso, kili-kili at pisngi.

Sa report na isinumite ni SPO1 Richard Baguyo at SPO1 Eduardo Rodaje kay Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng mga biktima sa naturang lugar.

Nabatid na habang nakatayo ang mga biktima ay biglang dumating ang isang sasakyang Ford Everest na hindi nakuha ang plaka,  sakay ang dalawang hindi kilalang lalaki.

Walang salitang pinaulanan  ng bala ang mga biktima dahilan upang kaagad bawian ng buhay si SPO3 Lavarez at si Belono naman ay mabilis na isinugod ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital. Matapos ang pamamaril  ay mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi nabatid na direksyon. Patuloy na nagsasagawa  ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente at inaalam pa nila ang motibo ng pamamaril.

vuukle comment

ALLAN NOBLEZA

ANTONIO COMPOUND

EDUARDO RODAJE

FORD EVEREST

MADONNA BELONO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINT

RICHARD BAGUYO

ROLANDO LAVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with