^

Metro

Helper pisak sa 2 backhoe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang  sinapit ng isang helper ng bodega ng heavy equipments makaraang maipit sa dalawang backhoe machines, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Hindi na umabot sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Rexiel Bono, 21, empleyado ng Good Morning International Corporation na may bo­dega sa may ITC Road, Brgy. Canumay East, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-9 ng umaga, minamaniobra ni Bono ang isang backoe machine nang bumukas­ ang pinto sa bodega. Bu­­maba naman si Bono upang isara ito habang naiwan na bukas ang makina ng backhoe.

Nabatid na umikot ang backhoe hanggang sa ma­­hagip ang biktima.  Diret­song sumalpok ang back­hoe sa isa pang nakaparadang backhoe hanggang sa tuluyang maipit ang biktima.

Natagalan pa bago natanggal sa pagkakaipit sa dalawang heavy equipment ang biktima kaya huli na nang madala ito sa pa­ga­mutan.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may pananagutan sa naturang insi­dente ang pamunuan ng naturang kompanya.

 

vuukle comment

BRGY

CANUMAY EAST

DIRET

GOOD MORNING INTERNATIONAL CORPORATION

REXIEL BONO

SHY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with