^

Metro

Briton napigilan ng Makati rescue na magpakamatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wawakasan na sana ng isang 26-anyos na Briton ang kanyang buhay sa pagtalon sa kanyang tinitirahang condominium sa Makati City, ngunit masuwerteng napigilan ito ng mga pulis.

Malungkot at umiiyak si Nathali Lian Islam nang abutan ng mga awtoridad sa ikalawang palapag ng  Virra Condominium sa kalye ng Burgos bandang 9:15 ng umaga.

Kaagad rumesponde ang rescue team na binubuo ng mga tauhan ng Police Substation 6, Makati Rescue at ang Special Reaction Unit ng Makati Fire Department ay kinumbinsi si Islam na huwag ituloy ang planong pagpapakamatay.

Umupo sa kanto ng terrace si Islam at nagbantang tatalon, habang umiiyak.

Nakita ito ng rescue team na pagkakataon upang pigilan si Islam sa pagtalon.

Dinala sa Ospital ng Makati si Islam matapos siyang mailigtas.

vuukle comment

BURGOS

DINALA

KAAGAD

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

MAKATI RESCUE

NATHALI LIAN ISLAM

POLICE SUBSTATION

SPECIAL REACTION UNIT

VIRRA CONDOMINIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with