^

Metro

2 lalaki, itinumba sa QC

Ricky T. Tulipat with Vanessa May Linsangan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi matapos na sorpresang pagbabarilin ng isang gunman sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay PO3 Jaime de Jesus, imbestigador, isa lamang sa mga nasawi ang nakilala at ito ay si Carlo Steve Diaz, 44,  Kapitan Ato Street., Brgy. Sta Cruz, Pasig City.

Habang ang isa naman ay isinalarawan lamang sa edad na 44, may taas na 5’3”, kayumanggi ang kulay, nakasuot ng asul at puti na striped t-shirt, cream na slacks, may mga tattoo na “Elmer Gerda” sa kanyang dibdib, “Dennis Da Silva” at “Warrior Dantley” sa kanyang tiyan, “Manuel” sa likod nito, “Rickson Aquino sa kanyang kaliwang braso at “Ding Bautista” , at tribal tattoo sa kanyang binti.

Nangyari ang insidente sa loob ng Tierra Market sa Commonwealth Avenue Corner T. Sora Ave., Brgy. New Era, sa lungsod, dakong alas-12:30 ng hapon.

Ayon kay Vilma Quilang, abala umano siya sa pag-aasikaso sa kanyang tindahan at napuna niya ang mga biktima na naglalakad sa loob ng palengke.

Ilang sandali pa, biglang sumulpot ang suspek saka nilapitan ang mga biktima saka pinagbabaril ang mga ito.

Agad namang tumakas ang suspek sa lugar at sumakay sa pampasaherong jeep­ney na biyaheng Quiapo-Lagro na papatakas.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), na­rekober sa lugar ang dalawang buhay na bala, apat na basyo ng bala at dalawang tingga ng kalibre-9mm na baril. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

CARLO STEVE DIAZ

COMMONWEALTH AVENUE CORNER T

DENNIS DA SILVA

DING BAUTISTA

ELMER GERDA

KAPITAN ATO STREET

NEW ERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with