^

Metro

2 drug dealer, huli sa 1 kilo ng shabu

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahuli ng mga elemento ng Quezon City   ang dalawang kilabot na  drug dealer kung saan nasamsam sa mga ito ang isang kilo ng shabu sa isinagawang buy bust operations sa  Project 3 sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Senior Inspector Roberto Razon, ang dalawang nahuling suspek na sina Henry Atillano, 50, at Larex Pepino, kapwa taga Las Piñas  ay  pinaniniwalaang miyembro ng malaking sindikato ng illegal drugs na nag-ooperate sa Metro Manila.

Sinabi ni Razon na ang street value ng nakumpiskang droga ay nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon.

Anya, bagsak presyo umano ibinebenta  ng dalawang at prinesyuhan lamang sa halagang dalawang milyon.

Bukod sa isang kilong shabu, nakuha rin sa mga ito   ang limang cellphones, timbangan at isang Honda CRV na gina­gamit nila sa operasyon.

Naniniwala rin ang pulisya na ang dalawa ay kabilang   sa grupo ng isang drug dealer na naunang nadakip   noong Abril 2013 kung saan nasamsam ang may 40 kilo ng ilegal na droga. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABRIL

ANGIE

DRUGS SENIOR INSPECTOR ROBERTO RAZON

HENRY ATILLANO

LAREX PEPINO

LAS PI

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with