^

Metro

Misis tinodas sa burol ni mister

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang  binaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Papasok pa lamang umano sa gate ng Building 17 Per­ma­nent Housing, Balut, Tondo ang biktimang si Chona Esplana­, 45, ng 31 Lot 19 Phase IV-A, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal nang barilin  ito ng suspek. Isinugod  ng kanyang kapatid na si Amparo ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit binawian din ng buhay. 

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard S. Escarlan ng MPD homicide, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang pagbaril sa biktima. Tiniyak umano ng suspek na patay ang biktima bago ito tumakas.  Ayon sa ulat, hiwalay na ng tirahan ang nasawi at mister nito. Dumalaw lang sa burol si Chona bilang respeto sa yumaong asawa. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa nasabing ginang.

vuukle comment

AYON

BRGY

CHONA

CHONA ESPLANA

DUMALAW

ESCARLAN

RICHARD S

SAN MATEO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with