^

Metro

2 biktima ng salvage, natagpuan sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage  ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang dalawang bangkay na pawang walang pagkakakilanlan ay natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Talipapa at Barangay Sauyo.

Alas- 2 ng madaling araw nang unang ma­tagpuan ang bangkay ng lalaki sa may Tandang Sora Avenue, Brgy.  Talipapa. Ang biktima ay isinalarawan sa edad na 30-35, may taas  na 5’4’’, katamtaman ang pa­ngangatawan, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, at camouflage na short pants. May tattoo din ito na “Joel Baseco” sa tiyan at BCJ 32 sa kanang tuhod.Tadtad ng saksak ng icepick sa kanyang katawan ang biktima at may   bakas ng pananakal sa leeg.

Samantala, alas-6 ng umaga nang matagpuan ng dalawang nagpa­patrulyang barangay tanod ang bangkay ng isa pang biktima sa may Sampaguita St., DRJ village, Brgy. Sauyo.

Nakasilid ito sa isang itim na garbage bag na may puting sako na napapapaluputan ng packaging tape.

Sa puting sako ay nakasulat ang katagang “akyat bahay, rapist, carnapper, huwag tularan, sunod na kayo!”

Isinalarawan ang biktima sa edad na 40-45, nakasuot ng itim na t-shirt at checkerd na kulay blue na short pants, at katamtaman ang panga­ngatawan.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAUYO

BRGY

DALAWANG

JOEL BASECO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SAMPAGUITA ST.

TALIPAPA

TANDANG SORA AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with