^

Metro

Lalaki nagbigti sa loob ng brgy. hall

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing sinisiyasat ng pulisya kung talagang nagbigti ang isang lalaki sa loob ng detention cell ng isang barangay hall kung saan ito ikinulong dahil sa pananakit sa anak ng kanyang kinakasama, kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Richard Navarete, 36-anyos, residente ng Gawad Kalinga, Bagong Silang, ng naturang lungsod­.

Sa ulat ng Caloocan Police, unang dinakip ng mga barangay tanod si Navarete makaraang ireklamo ng live-in partner­ nito ng panggugulpi sa kanyang anak na babae na edad 13-anyos.

Pansamantalang iki­nulong si Navarete sa selda ng barangay hall ng Barangay 176 sa Bagong Silang at nagpalipas ng magdamag.

Dakong alas-5 ng madaling araw nang matuklasan ng naka-duty na tanod na nakabigti ang biktima sa loob ng selda gamit ang kanyang t-shirt na ipinulupot sa kanyang leeg.

Patuloy naman nga­yon ang imbestigasyon sa kaso upang matiyak na walang foul play sa naganap na insidente na maaaring sangkot ang mga tanod sa barangay hall.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DAKONG

GAWAD KALINGA

MASUSING

NAKILALA

NAVARETE

RICHARD NAVARETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with