^

Metro

CCTV sa condo bubusisiin ng pulisya bumugbog, nang-extort kay Vhong, tugis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines -  Nanatiling nasa malubhang kalagayan at nakatakdang sumailalim sa operas-yon ang aktor at TV host na Vhong Navarro makaraang gulpihin ng isang grupo ng kalalakihan na  nang-extort pa dito sa loob ng isang condo sa The Fort sa Taguig City noong nakalipas na Enero 22.

Kasabay nito nananawagan naman ang pulisya sa kaanak ng aktor na makipag-coordinate sa kanila para sa isinasagawang follow-up operation.

Ayon kay Senior Supt. Arthur Asis, hepe ng Taguig City Police, simula aniya nang maganap ang panggugulpi kay Vhong noong Enero 22 at hanggang sa ngayon ay wala pang nagre-report na kaanak o mula sa kampo ng aktor para magreklamo hinggil sa insidente.

Gayunman  sinabi pa nito na sa kabila na walang reklamo na nakarating sa kanila at tanging sa ulat lamang sa telebisyon nila nalaman ang nangyari sa aktor  ay nagsasagawa na sila ng follow-up operation dito.

Nabatid pa sa pamunuan ng Taguig City Police, may mga hawak na silang positive development hinggil sa insidente at  hawak na rin aniya nila ang footage na kuha ng CCTV  na posibleng  magkakapagresolba  at tumukoy sa mga suspek.

Hinikayat din nito ang aktor na huwag matakot at makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon. Magugunitang nalaman  lamang ang insidente sa pamamagitan  ng manager ni Vhong  na si Chito Roño.

Ayon kay Roño, noong Enero 22 ay may nag-imbita sa aktor/TV host na babae sa isang condominium unit nito sa The Fort, Taguig City na pinaunlakan naman ni Vhong.

Subalit, pagdating sa loob ng condo ay biglang may nagdatingang mga lalaki at  sa hindi malamang dahilan ay piniringan ng mga ito si Vhong, saka binugbog, iginapos at hi-ningan ng pera.

vuukle comment

ARTHUR ASIS

AYON

CHITO RO

ENERO

SENIOR SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with