^

Metro

Killer ng pulis nalambat

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ang isa sa limang pumatay sa isang pulis ng Pasay City Police matapos sitahin habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga pulis at nakumpiskahan ang suspek ng anim na sachet ng shabu kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police ang suspek na si Dante de Paz, 24, walang hanapbuhay, residente ng #704B 55 Apelo Cruz St., Barangay 157, Zone 16 ng naturang lungsod.

Base sa report, ala-1:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng motorcycle patrolling ang mga kagawad ng Pasay City Police Community Precinct 7 sa Virata St., Barangay 153 naturang siyudad nang mamataan ng mga pulis ang isang lalaki na nakamotorsiklo na walang helmet, dahilan upang sitahin ito.

Dito ay nadiskubre ng mga pulis ang dalang anim na sachet ng shabu ng suspek.

Nalaman din ng mga pulis na si de Paz ay isa sa limang suspek na bumaril at pumatay kay SP01 Jesus Tizon, 40, nakatalaga sa Pasay City Police, PCP 7 noong Disyembre 3, 2013 habang nagpapatrulya ito sa Apelo Cruz St., ng naturang lungsod.

 

 

vuukle comment

APELO CRUZ ST.

DISYEMBRE

DITO

FLORENCIO ORTILLA

JESUS TIZON

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE COMMUNITY PRECINCT

PAZ

SENIOR SUPT

VIRATA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with