^

Metro

Misis na kapapanganak pa lamang sinaktan: Technician inutas ng bayaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang 27-anyos na electrical technician nang saksakin ng bayaw na napikon dahil sa pananakit ng una sa kapatid ng huli na bagong pa­nganak pa lamang sa  Quiapo, Maynila.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Ian Jumawan, ng Florante St., Quiapo, Maynila dahil sa tinamong  saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan.

Todo-depensa naman ang suspect na si Asher Sinday, 33, taxi driver, residente ng Block 2, Lot 13, Camia St, TS Cruz, Alamanza-II, Las Piñas City na nagsabing hinabol siya ng saksak ng biktima at naagaw lamang niya ang patalim na ginamit sa pa­nanaksak.

“Hindi ko naman gustong mangyari yun, tinadyakan niya kasi yong kapatid ko kapapanganak pa lang,  caesarian pa naman ,wala na akong choice dahil hinabol niya ako ng saksak naagaw ko lang yong patalim niya kaya nasaksak ko siya,” anang suspect na agad naaresto ni PO3 Mario Mauleon, ng Manila Police District-station 3.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD0-Homicide Section, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa panulukan ng Florante at Evangelista Sts., Quiapo, Maynila.

Nabatid na bilang kapatid  ni Chona Sinday, ang live-in partner ng biktima, si Asher na mismo ang sumama sa pagsundo sa anak ng una na 5-taong gulang  na nasa pa­ngangalaga ng nasawi.

Pagdating umano sa shop na pinapasukan ni Jumawan ay galit na sumugod si Chona at sinumbatan ang ka-live in  kung bakit pinabayaan siya. Hindi man lamang umano siya pinuntahan sa panga­nganak nitong Disyembre 25, sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH)  sa pamamagitan ng caesarian operation, kung saan namatay ang sanggol at hanggang sa mailibing ay hindi nagpakita ang nasawi.

“Nakatayo lang po ako, siguro sa galit ng kapatid ko  dahil hindi man lang siya pinuntahan at sinabihan pa daw siya ng ‘sana namatay ka na para may  kasama ang anak mo’, kaya binatak niya yung mesa at natapon yung mga inire-rewind na motor ng asawa niya,” anang suspect.

Nang makitang tinadyakan ang kapatid, saka lamang umano umawat si Asher pero nasaktan umano ang biktima sa pag-awat niya na tinamaan sa bibig kaya siya naman ang hinabol ng saksak.

Nailagan lamang umano ng suspect ang pananaksak hanggang sa maagawan niya ng patalim at nasaksak ang bayaw.

Nang tatakas umano siya ay nagkataong nasa lugar na si PO3 Mauleon na humuli sa kaniya.

vuukle comment

ASHER SINDAY

CAMIA ST

CHONA SINDAY

EVANGELISTA STS

FLORANTE ST.

MAYNILA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with