^

Metro

Bahay niratrat: Mag-ama utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang mag-ama, habang sugatan naman ang ina ng tahanan makaraang pasukin at pagbabarilin ng nag-iisang suspect ang kanilang bahay sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan­ City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Victorino Sarmiento, 40, at anak na si Angelica Shane, 9.

Sugatan naman ang ina na si Charmee, 34, na hinampas­ ng baril at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon sa pagamutan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen­, gayunman sinisilip ang anggulong away sa kapit­bahay, hindi rin naman inaalis ang anggulong may kinalaman sa trabaho ni Victorino bilang isang company driver ang motibo sa naganap na krimen.

Ayon sa ilang testigo nakasuot ng bullcap ang gunman nang isagawa ang pamamaril sa loob ng bahay ng pamilya.

Tumakas ang suspect lulan ng isang motorsiklo. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

 

vuukle comment

ANGELICA SHANE

AYON

BAGONG SILANG

BLANGKO

BRGY

CALOOCAN

CHARMEE

NAKILALA

VICTORINO SARMIENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with