^

Metro

Dalaga pumalag sa tangkang panghahalay, sinaksak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinaksak ng nail pusher ang isang dalaga makaraang pumalag sa isang hindi pa kilalang lalaki na nagtangkang humalay sa kanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Princess Antonette Bautista, 23,  ng Elysian, Brgy. Marulas ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente  alas-11:45 ng gabi sa boarding house ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na papasok na sa kanyang  boarding house ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek, niyakap nito ang dalaga at tinakpan ng tuwalya ang bibig upang hindi makasigaw.

Dito na isinagawa ang tangkang panggagahasa, subalit nanlaban ang dalaga dahilan upang pagsasaksakin ito ng suspek ng nail pusher.

Matapos isagawa ng suspek ang pananaksak ay mabilis itong tumakas at ang biktima naman ay dinala sa nabanggit na pagamutan ng ilang taong nagmamalasakit dito. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente. v

 

vuukle comment

BRGY

DITO

FATIMA MEDICAL CENTER

GINAGAMOT

MARULAS

MATAPOS

NABATID

PRINCESS ANTONETTE BAUTISTA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with