^

Metro

Iranian nadukutan sa loob ng eroplano

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pasaherong Iranian ang  umano’y nadukutan  habang sakay ng eroplano patungong Maynila mula Shanghai.

Narekober ng Immigration officials sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) Terminal 2 ang nadukot na pitaka ng Iranian na naglalaman ng 11,000 RMB (Yuan) o mahigit P60,000 mula sa dalawang transiting Chinese national pagdating sa airport.

Sa report nina Immigration officer Ma. Luisa Canlas at immigration supervisor Maida Rebong, habang tinatatakan nila ang pasaporte ni Hamed Bolarjon ay sinabi nitong ninakawan siya habang lulan ng Philippine Airlines PR 339 mula Shanghai patungong Manila.

Ayon kay Bolarjon, inilagay niya ang kanyang belt bag na may pitaka sa overhead compartment at umidlip katabi ang dalawang Chinese nationals. Pagdating sa airport, napansin ni Borlajon na nawawala na ang kanyang pitaka.

Tatlong Nigerian passengers naman ang nagkuwento sa immigration na nakita nila ang dalawang Chinese na nagbibilang ng pera.  Dahil dito kaya hiningi na nina Canlas at Rebong ang tulong ng PNP para umasiste sa imbestigasyon. 

Sa imbestigasyon, nakita ang 11,000 RMB sa isa sa dalawang Chinese habang natagpuan ang pitaka sa bagahe ng kasama nito.

Gayunman, sinabi ng pulisya na hindi nila maaaring arestuhin ang mga Chinese dahil transit passengers lang sila na may connecting flight sa Indonesia. Desidido naman si Bolarjon na kasuhan ang mga Chinese at ma-blacklist.

vuukle comment

AYON

BOLARJON

BORLAJON

HAMED BOLARJON

LUISA CANLAS

MAIDA REBONG

NINOY AQUINO INTER

PHILIPPINE AIRLINES

TATLONG NIGERIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with