^

Metro

Matansero itinumba

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang lolong matansero makaraang malapitang tadtarin ng bala sa ulo at katawan ng nag-iisang salarin, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng caliber 9mm pistol sa ulo at anim sa dibdib ang nasawing si Ricardo Jataas, 61-anyos, balo, ng Remy St., Pasay, habang sugatan naman makaraang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita ang 36-anyos na si Eileen Mamaradlo, fruit vendor.

Sa ulat ng pulisya, naga­nap ang krimen dakong alas-3 ng madaling-araw sa kanto ng Libertad at P. Villanueva St., ng naturang lungsod.  Nag-aalok umano ng isang kilo ng karne ng baka si Jataas kay Cesar Mama­radlo, may-ari ng tindahan ng prutas nang dumating ang nag-iisang salarin at sunud-sunod na paputukan ang biktima nang malapitan.

Tinamaan naman si Eileen   ng isa sa balang hindi tumama kay Jataas. Mabilis na tumakas ang salarin sa hindi mabatid na lugar dala ang armas na ginamit sa krimen.

Hindi naman makilala ng mga saksi ang hitsura ng sa­larin dahil sa may suot itong crash helmet. Hini­hinalang may kasama ang gunman na nagmamaneho ng motorsiklo na gamit sa pagtakas.

vuukle comment

CESAR MAMA

EILEEN

EILEEN MAMARADLO

HINI

JATAAS

PASAY CITY

REMY ST.

RICARDO JATAAS

VILLANUEVA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with