^

Metro

Mag-live-in itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang mag-live-in na vendor  nang ma­lapitang pagbabarilin sa kanilang mga ulo ng isang lalaki  habang ang dalawa  ay abala sa pagbebenta ng gulay, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Cornelia Fernandez, alyas ‘Connie Negra’, 33, ng Vitas St., Tondo, Maynila  at Bernanrd Briones, 24.

Bala sa kaliwang tenga ang tinamo ni Fernandez habang si Briones naman ay tinaniman ng bala sa sentido at kanang bahagi ng ulo.

Sa ulat ni SPO1 Ri­chard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa pagitan ng  Bldg. 19 at Bldg. 20 ng Aroma Temporary Housing sa Tondo.

Sinabi ni Escarlan na biglang sumulpot na lang ang gunman at nasorpresa na lamang ang dalawa nang sila ay pagbabarilin ng tatlong ulit.

Namatay noon din ang dalawa habang mabilis na tumakas sa direksiyon ng Road 10 ang suspect.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang posibleng may kagagawan ng pamamaril sa da­lawa. Dinala ang mga labi sa Nathan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

 

vuukle comment

AROMA TEMPORARY HOUSING

BERNANRD BRIONES

CONNIE NEGRA

CORNELIA FERNANDEZ

ESCARLAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NATHAN FUNERAL HOMES

VITAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with