^

Metro

Nangulila sa misis at anak, mister nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pa­ngungulila sa misis at mga anak, nagpatiwakal ang isang mister kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rommel Bautista, ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police alas-7:10 ng gabi nang nakitang nakabigti ng cable wire sa loob ng kanilang bahay ang bik­timang si Ruel Resureccion, 35,  ng Libis, Talisay.

Nakasulat sa likod ng picture frame ng kanyang panganay na si Kaye ang suicide note,  kung saan humihingi ng pasensiya kung naging masama siyang ama at sinabing mahal na mahal niya ang mga ito.

Lumalabas na karara­ting lamang sa Pili­pinas mula sa ibang bansa ng misis ng biktima na hindi na pinabanggit ang pangalan.

Nabatid na  hiniwalayan ang biktima ng kanyang misis at isinama nito  ang mga anak na naging dahilan upang mangulila ito  hanggang sa nagawa nitong kitlin­ ang sariling buhay.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

LIBIS

ROMMEL BAUTISTA

RUEL RESURECCION

STATION INVESTIGATION BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with