^

Metro

Indian national pinatay habang naniningil ng pautang

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Indian national ang nasawi  nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang biktimang si Kulwant Singh, 59, ng Dama De Noche St., Brgy.  Marulas ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat na nakarating kay Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi  sa kahabaan ng Pio Valenzuela St., Brgy. Marulas ng naturang lungsod habang ang biktima ay  naniningil ng pautang nang biglang sumulpot ang mga suspek  na nakasakay rin ng motorsiklo.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo nang pagpasalang dito.

vuukle comment

BRGY

DAMA DE NOCHE ST.

ISANG INDIAN

KULWANT SINGH

MARULAS

PIO VALENZUELA ST.

RHODERICK ARMAMENTO

SR. SUPT

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with