^

Metro

Salvage victim, putol na paa nakita sa Maynila, QC

Ludy Bermudo at Ricky T. Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan ang isang di pa kilalang bangkay ng lalaki, na naka-sako at natatabunan ng maraming damit, sa paradahan ng pampasaherong dyip, sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nang siyasatin, nakatali ng asul na nylon cord ang katawan, may dalawang tama ng saksak sa likod, may mga sugat sa ulo at mukha habang kalahati lamang ng katawan ang nakapasok sa dilaw na sako na pinuluputan ng mga damit at natatabunan ng marami pang damit ang biktimang inilarawan sa edad 20-25, may taas 5’1’’, kayumanggi, nakasuot ng kulay light green shorts, walang pang-itaas  at may tattoo na “Bahala na Gang” sa katawan.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-4 umano ng madaling-araw, habang patungo  si Ricardo Daang sa kanyang  minamanehong jeep,  nang  mapansin niya ang mga nakabalumbon na mga damit sa kalsada. Pinulot niya ang ilan nang mapansin na natatakpan lamang pala nito ang bangkay ng lalaki. Inilagak sa Nathan Funeral Parlor ang nasabing bangkay.

Samantala, natagpuan naman sa Quezon City  ang  isang putol na kaliwang paa ng tao.

Base sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ni Crisanto Constantino­, 36, ang kaliwang paa na nakabalot sa kulay dilaw na garbage bag dakong alas-10:30 ng umaga.

Ayon kay Constantino, namamasura siya kasama ang kanyang live-in partner sa tapat ng isang bahay sa Banuyo St., Brgy. Amihan, nang may napansin silang isang dilaw na garbage bag.

Nang kalkalin ang loob ng garbage bag ay doon tumambad sa kanila ang kaliwang paa ng isang tao. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (with Ma. Juneah Del Valle)

vuukle comment

BANUYO ST.

CHACON STS

CRISANTO CONSTANTINO

JUAN LUNA

JUNEAH DEL VALLE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

NANG

NATHAN FUNERAL PARLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with