^

Metro

Trader kinuyog ng miyembro ng barangay police, dedo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lolong negosyante matapos itong pagtulungang barilin at pagtatagain ng apat na miyembro ng Barangay Police Action Team (BPAT),  kahapon sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo­ Medical Center ang biktimang si George Bullos­, 59, ng  Old Fishport, Brgy.  Northbay Boulevard South ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga taga at tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan. 

Nadakip naman ang  isa sa apat na suspek na si Lino Bacalunay, 50, presidente ng BPAT habang nakatakas naman ang miyembro nito na sina Jeffrey Bacalunay, anak ng suspek; Serafin Orolano, Eliseo Bardeloza, pawang residente ng Virgo Drive ng nasabing barangay.

Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas City, naganap ang insidente  dakong alas- 10:00 ng umaga sa Virgo Drive, Brgy.  NBBS ng naturang lungsod habang ang biktima at ang anak nitong si Gerald ay naglalakad sa nasabing lugar nang   harangin ng mga suspect.

Agad na pinagtataga at pinagbabaril ng mga suspect si George na na­ging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa isinagawang follow-up ng mga pulis, nadakip ang suspek na si Bacalunay habang nagpapagamot ito  sa naturang ospital dahil sa mga sugat nito sa paa.

Ang iba namang suspek ay pinaghahanap pa ng mga pulis. Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

 

 

vuukle comment

BARANGAY POLICE ACTION TEAM

BRGY

CONRADO GONGON

ELISEO BARDELOZA

GEORGE BULLOS

JEFFREY BACALUNAY

LINO BACALUNAY

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with