^

Metro

Mag-live-in patay sa ambus

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang  kawani ng Malakanyang at ang live-in partner nito nang tambangan habang papasok sa gate ng kanilang bahay  sa Sampaloc, Maynila, kahapon  ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang kinilalang sina Winebaldo Serrano, 52, engineer na nakatalaga  sa  Presidential Ma­nagamenet Staff  at live-in partner nitong si Leticia Gundayao, 49, empleyado ng Philippine Long Distance Tele­phone (PLDT) at kapwa residente ng Prudencio St., Sampaloc, Maynila.

Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang mga katawan.

Agad namang tumakas ang suspect na armado umano ng kalibre .45 pistola kasama ang dalawa pang lalaki na nagsilbing mga look-out. 

Sa imbestigasyon ni   SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Ho­micide Section, karaniwang sinusundo umano ni Serrano si Gundayao sa pinapasukan sa Sta. Mesa  at dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang makauwi ang dalawa at  habang papasok sa gate ng bahay ay doon sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang mga ito.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspect at ma­ging ang motibo sa krimen.

Sinabi ng ilang kaanak ng mga biktima na wala namang kaaway ang mga ito para gawin ang pagpaslang.

Wala  ring tinangay ang mga suspect na personal na gamit mula sa mga biktima.

vuukle comment

GLENZOR VALLEJO

LETICIA GUNDAYAO

MANILA POLICE DISTRICT-HO

MAYNILA

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELE

PRESIDENTIAL MA

PRUDENCIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with