^

Metro

Nagkatampuhan ng nobyo, dalaga nagbigti

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos makatampuhan ang kanyang nobyo, nagawang magpatiwakal ng isang dalaga kahapon sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Fatima Lin­dungan, 29,  sa loob ng inuupahan nitong  kuwarto sa North Diversion Road ng naturang  lungsod na nakabigti gamit ang isang sinturon.

Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang matagpuan ang biktima ng kaibigan nitong si  Ofelia Salinas.

Bago naganap ang pag­papatiwakal,sinabi ni Salinas, dakong  alas-8:00 kamaka­lawa ng umaga ay  tinawagan siya ng nobyo ng nasawi na si Sharib Ibrahim Malakat at sinabing masama ang loob ni Lindungan matapos silang magtalo at magkatampuhan.

Dahil kaibigan ay pinuntahan ni Salinas si Lindungan upang kausapin at payapain ang nararamdaman nitong pag­ta­tampo subalit  laking gulat ni Salinas nang makitang nakabigti at patay na ang kaibigan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente at inaalam din kung may foul play sa pagkamatay ng dalaga.

Samantala, dahil naman  sa hindi matanggap ang ginawang pakikipagkalas ng kanyang girlfriend, tinangka ng isang waiter na tapusin din ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang leeg sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO1 Victor Ba­quedqued, sa kasalukuyan nasa maayos ng kondisyon  si Danilo Lee Jr. 26 sa Qui­rino Memorial Medical Center (QMMC).

Si Lee ay itinakbo sa ospital matapos saksakin nito ang kanyang leeg gamit ang isang kitchen knife sa pagtatangkang tapusin ang buhay matapos na umano’y kalasan ng kasintahan. Nangyari ang insidente ganap na alas-7 ng gabi sa bahay ng biktima na matatagpuan sa 18th Avenue, Brgy. San Roque, Murphy, Cubao.

Bago ito nakipag-inuman pa umano si Lee sa kanyang mga kaibigan sa harapan ng kanyang bahay nang tawagan sa kanyang cellphone ng syota nitong si Tintin. Sinabihan umano ni Tintin si Lee na kailangan na niyang tapusin ang kanilang relasyon at nais na nitong makipag- break sa kanya.

Matapos ang tawag ay kumuha ng patalim  sa kusina si Lee saka tinarakan ang sa­riling leeg. Kasunod nito, lumabas ng kanyang bahay si Lee na duguan at nang makita siya ng kanyang mga kaibigan ay agad siyang isinugod sa naturang ospital.

Minsan na umanong nag­laslas ito ng kanyang pulso o tumutuntong sa harap ng umaandar na sasakyan kapag may problema at nasa impluwensiya ng alak.

 

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DANILO LEE JR.

FATIMA LIN

KANYANG

LINDUNGAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with