^

Metro

Driver, pahinante kinuyog ng ‘jumper boys’, kritikal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa malubhang na­sugatan ang isang driver at pahinante nito nang kuyugin ng 7 jumper boys kamakalawa sa Caloocan City.

Ginamot sa President Dios­dado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa ulo si Marcelo Padilla, 46, ng Lambakin, Marilao, Bulacan habang saksak naman sa katawan ang inabot ng helper na si Leonardo Ballesteros, 30, ng San Jose, Muñoz, Quezon City.

Sa Tondo Medical Center naman dinala sanhi ng palo ng bato sa ulo ang isa sa mga suspect  na nakilalang si Joel Camara, 20, habang nadakip  ang isa pa nitong kasamahan na si Mark Anthony Dasalia, 23.       

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng C-3 Road ng naturang lungsod.

Nabatid na  natrapik sa naturang lugar  ang minamanehong delivery van ni Padilla kung saan nagsilapit ang mga suspect  sa likod ng van at hinampas ng martilyo ang kandado upang buksan at pagnakawan.

Bumaba ang mga biktima subalit sinalubong ang mga ito ng mga suspect  na may hawak na patalim, martilyo at sumpak habang dumampot ng bato si Ballesteros at nang magsalpukan ay nagawang mapukpok ng bato si Camara.

Nasaksak naman si Ballesteros habang pinutukan ng sumpak si Padilla na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital  ang mga ito habang nadakip ng pulisya ang isa sa mga suspect.  Mabilis namang nagpulasan ang lima pang kasamahan ng mga suspect.

 

vuukle comment

BALLESTEROS

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JOEL CAMARA

LEONARDO BALLESTEROS

MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

MARCELO PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with