^

Metro

BCJ member patay sa boga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang 28-anyos na miyembro ng Batang City Jail matapos na barilin ng hindi pa nakila­lang suspect habang nagpapahinga sa ibabaw ng isang nakaparadang tricycle sa Tondo, Maynila kamakalawa .

Dead on the spot si Christopher Malbat, ng 165 Gate 50 Area B Parola compound, Binondo Manila sanhi ng tama ng bala sa ulo. Tadtad  din ito ng tattoo sa katawan

Habang inaalam pa ang pagkakilanlang ng hindi pa nakilalang suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Lester Evangelista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa MLT Road malapit sa Sparkline Road Gate 1, Parola Compound, Tondo

Nagpapahinga ang biktima sa ibabaw ng nakaparadang tricycle nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan

Gayunman inaalam na ng awtoridad kung ano ang motibo sa naganap na insidente.

vuukle comment

AREA B PAROLA

AYON

BATANG CITY JAIL

BINONDO MANILA

CHRISTOPHER MALBAT

LESTER EVANGELISTA

MANILA POLICE DISTRICT

PAROLA COMPOUND

SPARKLINE ROAD GATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with