^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa resbak ng kalaban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na lalaki ang napatay, habang sugatan din ang  kasama nito  nang resbakan ng kalaban ng una sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Dominador Macandog, habang nagtamo naman ng isang bala sa braso ang kasamang si Cesar Collado, 50, kapwa residente ng  Raduim St., Sta. Ana, Maynila.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspect na si Gil Valdemar,  alyas Pilo, ng Road 16 Fabie Estate , Paco, Maynila.

Sa ulat ni PO3  Richard Limuco, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:20 ng hapon nang maganap ang nasabing krimen sa Radium St., sa may Dagonoy St., Sta. Ana.

Nagkukuwentuhan lamang umano sina Macandog at si Collado sa nang sumulpot ang nasabing suspect at mabilis pinaputukan ang una, habang ligaw na bala naman ang tumama kay Collado.

Nabatid na matagal nang magkaaway si Macandog at suspect at naghaharap pa umano ang mga ito sa korte kaugnay sa kanilang demandahan.

vuukle comment

CESAR COLLADO

COLLADO

DAGONOY ST.

DOMINADOR MACANDOG

FABIE ESTATE

GIL VALDEMAR

HOMICIDE SECTION

MACANDOG

MAYNILA

RADIUM ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with