^

Metro

Pumatay sa nobya ng kaaway tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto na ng  pulisya kamakalawa ang pangunahing suspect sa pagpatay sa isang 19-anyos na babaeng nagtamo ng bala sa dibdib nang harangin ang bala para sa kanyang nobyo, sa Tondo, Maynila, kama­kailan.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide  Section, nagsanib ang puwersa nila at ng Caloocan City Police sa isinagawang follow-up operation kaya na­dakip ang pangunahing suspect na si   Bernard Bailey  Jr., 34, alyas “Ogie Diaz”, miyembro ng Sputnik gang at residente ng #1038 Maypajo St., Caloocan City.

Sinabi ni Benitez na si Bailey ang gunman na nagtangkang pumatay sa isang Richard Garcia, nobyo ng nasawing si  Marjorie Carvajal, ng #619 Isla San Juan, Gagalangin,Tondo, Maynila, na sinasabing humarang sa bala kaya tinamaan sa dibdib.

Nabatid na dahil sa tip na lumulutang umano si Bailey sa Gagalangin, Tondo kaya bumuo ng team ang MPD at Calo­ocan  Police at hinan­ting siya na nauwi sa habulan mula Gagalangin, Tondo, hanggang sa umabot pa sa Maypajo, Caloocan City, kung saan siya nakorner at nadakip.

Una nang ini­ulat ang pamamaril kay Garcia na sinalo ni Carvajal ng riding in tandem, kung saan sakay ang suspect na si Bailey at  si Anjo Pareja, 24,  ng  Guido 1-Dagupan Ext., Tondo.

Nabatid na galit umano si Bailey kay Garcia dahil inestafa siya sa halagang P5,000 kaya hinarang nito ang daraanan ng magkaakbay na si Garcia at Carvajal at pi­nutukan, na sinalo naman ng huli, sa  bahagi ng Dagupan Ext., malapit sa Hermosa St. Tondo, noong Abril 9 ng madaling-araw.

Unang naaresto si Pareja na  kasalukuyang nakadetine sa MPD-Integrated Jail na tumatanggi sa akusasyong may kina­laman siya sa krimen.

vuukle comment

ANJO PAREJA

BERNARD BAILEY

CALOOCAN CITY

CARVAJAL

DAGUPAN EXT

GAGALANGIN

GARCIA

HERMOSA ST. TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with