^

Metro

Pastor nagbaril sa sarili, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depresyon ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang 48-anyos na pastor matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay SPO4 Leonardo Pasco, hepe ng Quezon City PNP District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nagbaril sa ulo ang biktimang si Edgardo Sibal ng Jacinto Street, E. Rodriguez sa nasabing lungsod.

Sinabi naman ng ka-live-in, bago ang insidente, pansamantalang iniwan nito ang biktima matapos siyang utusan para bumili ng pagkain.

Nadiskubre na lamang ng ka-live-in si Sibal na nakahandusay sa sahig ng kanilang kuwarto habang hawak ang cal. 45 pistol na ginamit sa pagpapakamatay.

Naisugod sa Fe Del Mundo Hospital subalit idineklarang patay ang biktima.

Sa pahayag naman  ng kapatid ng biktima, ikalawang beses na umanong pagtatangkang magpakamatay ang kanyang kapatid kapag ito ay sinusumpong ng depresyon.

 

vuukle comment

AYON

DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EDGARDO SIBAL

FE DEL MUNDO HOSPITAL

JACINTO STREET

LEONARDO PASCO

NADISKUBRE

NAISUGOD

PINANINIWALAANG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with