^

Metro

17-anyos binoga sa ulo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang menor-de-edad na namumulot ng basura nang paluin at barilin sa ulo, sa Tondo, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Arjay Javier Reyes, ng Bldg. 32,  Unit 35 Aroma Temporary Housing Unit, Tondo, Maynila,  sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Inginusong suspect ang isang alyas “Michael”, na inilarawang nasa  30-35 ang edad, may taas na 5’3’’ hanggang 5’4’’, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na jacket at itim na pantalon na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Bldg. 12, Road 10, Vitas,  Tondo, Maynila.

Nauna rito, masayang nagkukuwentuhan ang biktima at kanyang nakababatang kapatid na si John Eric, 16, kasama sa pamumulot ng basura, at iba pang kaibigan nang biglang lapitan ng suspect at pinalo ng baril sa ulo saka tuluyang  pinaputukan sa ulo.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakbo ang suspect patungo sa isang eskinita na sakop ng Brgy 106, Zone 8. Wala umanong kaaway ang biktima, ayon sa  kapatid  kaya blangko pa kung ano ang motibo sa pagpatay.

 

vuukle comment

ARJAY JAVIER REYES

AROMA TEMPORARY HOUSING UNIT

BRGY

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

INGINUSONG

JOHN ERIC

MAYNILA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with