^

Metro

Obrero hulog sa gusali, lasog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker makaraang mahulog sa ikalawang palapag ng ginagawaan nitong gusali sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Michael Ormita, 22, na na­gawa pang maisugod sa San Juan Medical Center pero binawian din ng buhay dulot ng injury sa ulo at braso.

Nangyari ang insidente sa may likurang bahagi ng Magnolia residences na mata­tagpuan sa Tower A-B, M. Domingo corner Doña Hemady, New Manila sa lungsod ganap na alas-8 ng umaga.

Base sa pahayag ng kasamahan ng biktima, nagpa-miting pa umano ang may-ari ng construction site sa mga trahabador hinggil sa safety precaution bago sila magsimula ng kani-kanilang mga trabaho.

Diumano, nasa ikalawang palapag ng Tower A si Ormita at kailangan nitong lumipat sa Tower B para doon magtrabaho, subalit kailangang dumaan sa tulay dahil magkalapit lamang ang distansya nito.

Pero sa halip gamitin ang tulay ay tinalon umano ng biktima ang kabilang gusali, sanhi para sumablay ito hanggang sa mahulog paibaba.

Dahil dito, agad siyang si­naklolohan ng mga kasamahan at itinakbo sa naturang ospital, subalit idineklara rin itong patay ganap na alas-9 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon ng aworidad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

DAHIL

DIUMANO

MICHAEL ORMITA

NEW MANILA

SAN JUAN MEDICAL CENTER

TOWER A

TOWER A-B

TOWER B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with