^

Metro

Jeepney driver utas sa tauhan ng MMDA

Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Pinaghahanap nga­yon ang isang sinasabing tauhan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itinuturong sumaksak at nakapatay sa isang jeepney driver, kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Nagtamo ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktimang si Johnny Villa­ruel, 44, at residente ng Pinagkaisa St., New Lower Bicutan, Taguig City.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Arnolfo Ferrer­, 36, ng Apitong St., Brgy. Comembo, Makati City.

Sa pahayag ng saksing si Jocelyn Balberona, street sweeper, sa Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng mada­ling-araw sa may EDSA sa tapat ng Guanzon Motors.  Nabatid na ipinarada ni Villa­ruel ang kanyang jeep sa tabi ng EDSA sa kabila na bawal ito at naidlip.

Ginising naman ito ng galit na si Ferrer at umano’y sinampal. Bumaba ng jeep ang biktima at hinabol umano ni Ferrer at nang ma­korner ay sinaksak si Villaruel. Sinabi pa ni Balberona na maging siya ay tinarget umano ng suspek ngunit nagawa niyang makatago sa loob ng isang bar sa tabi rin ng EDSA.

Isinugod naman ng isang kapwa jeepney driver ang biktima sa San Juan de Dios Hospital ngunit nala­gutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas­.

 

vuukle comment

APITONG ST.

ARNOLFO FERRER

DIOS HOSPITAL

GUANZON MOTORS

JOCELYN BALBERONA

JOHNNY VILLA

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with