^

Metro

Obrero itinumba ng tambay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na construction worker ang nasawi ma­karaang malapitang barilin ng kaalitan na nagsangla sa kanya ng DVD player sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alexander Carlos Pastrana, ng Carlos P. Garcia  St., Moriones, Tondo.

Patuloy namang tinutugis ang suspect  na si Manuel Ma­hinay Jr., ng Road 10 sa panulukan ng Moriones sa Tondo.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang nasabing pamamaril sa RJ Compound sa tabi ng bahay ng biktima.

Bago ang krimen, ilang buwan na ang nakakalipas ay  nagsangla umano ng DVD portable player si Mahinay sa biktima sa halagang P1,200.

Makalipas umano ang ilang linggo, nagbalik si Mahinay upang kunin ng walang bayad ang kanyang DVD kaya nag­karoon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Kamakalawa ng gabi, sumulpot si Mahinay para sa­bi­hing balewalain na nila ang nakaraan nilang pag-aaway.

Ayon kay Aileen Villa, kinakasama ng biktima, na iniwan niya ang dalawa sa labas ng kanilang bahay, hanggang sa makarinig siya ng malakas na putok ng baril at ng kanyang labasin nakita nito na duguan at nakahandusay na ang kinakasama sa bangketa. Mabilis namang nawala ang suspect.

vuukle comment

AILEEN VILLA

ALEXANDER CARLOS PASTRANA

AYON

CARLOS P

GARCIA

ISANG

KAMAKALAWA

MAHINAY

MANUEL MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with