^

Metro

Matapos magsimbang gabi binatilyo dedo sa gang war

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 15-anyos­ na binatilyo nang barilin ng isa sa naka­initang grupo rin ng kabataan sa unang araw ng Simbang Gabi sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng umaga

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Bryan Kenneth Cali, ng  Choco St., Tondo Maynila bunga ng tinamong  ng tama ng bala sa ulo.

Iniimbestigahan ang grupo ng suspect na may 40 umano ang bilang na nakabanggaan ng grupo ng biktima mula sa simbahan hanggang sa muling magpang-abot sa kalye at nauwi sa pamamaril sa biktima.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng MPD-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng umaga nang ma­ganap ang pamamaril sa biktima  sa Sta. Maria St., Moriones­, Tondo.

Nabatid sa imbestigas­yon na  sa loob ng simba­han pa lamang umano ay nagkakantiyawan na ang grupo kaya nang matapos ang misa ay nag-abangan sa labas ang mga ito na humantong sa kaguluhan.

vuukle comment

BRYAN KENNETH CALI

CHOCO ST.

HOMICIDE SECTION

INIIMBESTIGAHAN

MARIA ST.

MARY JOHNSTON HOSPITAL

RODEL BENITEZ

SHY

SIMBANG GABI

TONDO MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with