^

Metro

Ginang patay sa tarak, kargang sanggol nahulog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 26-anyos na ginang makaraang tarakan sa dibdib ng kanyang kapitbahay, habang bukol naman ang tinamo ng kanyang sanggol na kalong nito at mabitawan, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Rosalinda Caballes, may live-in partner at residente ng Building A, Unit 213 Sambahayan sa panulukan ng Ka­gitingan at Moriones Sts., Tondo, Maynila bunga ng tinamong saksak sa dibdib.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Julieto Malindog, ng MPD-Homicide Section, bandang alas-9:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa gilid ng Building A.

Nauna rito, katalo umano ng kapatid ng biktima na si Marilyn Pelagio ang isang Popong.

Nang dumating ang biktima na karga ang anak na 1 taon at 8-buwan pa lamang ay naka­alitan din nito si Popong dahil sa pagkampi naman sa kapatid hanggang sa umalis ang huli at sa pagbalik ay kasama nito ang isang alyas Ronel Corocoto, bayaw umano ng suspect.

Walang sabi-sabing sinaksak ni Popong ang biktima kaya nabitawan nito ang kargang anak.

Mabilis namang isinugod sa hospital ng mga kaanak ang ginang pero nalagutan ng hininga dakong alas-10:30 ng gabi.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para maaresto ang dalawang suspect.

vuukle comment

BUILDING A

HOMICIDE SECTION

JULIETO MALINDOG

MARILYN PELAGIO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

MORIONES STS

POPONG

RONEL COROCOTO

ROSALINDA CABALLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with