^

Metro

Driver tigok sa taga at saksak ng ka-toma

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Taga at saksak ang inabot ng isang 27-anyos na driver-helper na ikinasawi nito nang maungkat ang dating alitan habang nakikipag-inuman sa isang construction supply store, sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Francis Javier, stay-in driver/helper sa MGB Construction Supply, na mata­tagpuan sa Block 1 Lot 41, Bagong Lupa, Baseco compound, Port Area, Maynila.

Tinutugis na ang dalawang lalaking suspect na umano’y kainuman nito na tumakas matapos ang insidente. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa compound ng nasabing tindahan ng construction supply.

Nabatid na dumayo ang dalawang suspect sa nasabing tindahan at nakipag-inuman sa biktima hanggang sa mabuksan ang isyu ng kanilang dating alitan. Dahil sa napikon nang pagtulungan ng dalawa sa kanilang argumento, iniwan niya ang dalawang suspect at pumasok sa barracks, na posibleng inakala ng dalawa na kukuha ng armas.

Nang pasukin ang barracks ay nakita na nakahiga na ang biktima upang matulog na sinamantala naman ng dalawa upang pagsasaksakin at tagain ito habang nakahiga bago iniwang duguan. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para maaresto at matukoy ang pagkikilanlan ng mga suspect.   

vuukle comment

BAGONG LUPA

BASECO

CONSTRUCTION SUPPLY

DAHIL

FRANCIS JAVIER

MAYNILA

NABATID

NAGSASAGAWA

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with