^

Metro

Biker binangga na, tinakbuhan pa

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang mabundol at takbuhan ng driver ng isang pampasaherong bus habang nagbibisikleta, kahapon ng umaga sa Makati City.

Inisyal na nakilala ang na­sawing biktima na si Anthony Gonzales, 31, isang welder. Nakasuot ito ng dilaw na t-shirt, dilaw na sapatos at maong na short pants habang halos hindi maaninag ang mukha nito nang kumaskas sa kalsada makaraang makaladkad pa ng bus.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na tsuper ng BBL Bus (PYT-548) na nakilalang si Agri­pino Espanyol.

Sa inisyal na ulat ng Makati Traffic Division, na­ganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa may Gil Puyat Avenue malapit sa kanto ng Marconi St. sa Makati City.

Nagkagulo na lamang sa naturang lugar nang ma­bangga ng bus ang nagbibisikletang biktima at makaladkad pa ng ilang metro. Sa halip na huminto, idiniretso pa ng tsuper ang bus at saka inabandona sa tapat ng Police Com­munity Precinct 2 sa bahagi ng Pasay City saka mabilis na tumakas.

Nakikipag-ugnayan naman ngayon ang Makati Traffic Division sa pamu­nuan ng BBL Bus Company upang maisuko ang suspek at pa­nagutan ang pagkakasala.

vuukle comment

AGRI

ANTHONY GONZALES

BUS COMPANY

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI TRAFFIC DIVISION

MARCONI ST.

PASAY CITY

POLICE COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with