^

Metro

Nurse tigok sa mister na parak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Utas ang isang 26-anyos na nurse nang barilin umano ng kanyang mister na pulis sa loob ng isang apartment, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc.

Dead-on-the-spot si Krizzia Legasi, tubong Tanza, Tuguegarao at nanu­nuluyan sa Rm. 302 NIC Apartment, Manrique St., Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang mata na tumagos sa kanyang bungo.

Tumakas naman ang mister na suspect na kinilalang si PO1 Nathan Legasi, ng #01 Apitong St., San Gabriel Village, Tuguegarao, at nakatalaga sa 1st Maneuver Coy, 2nd Regional Police Safety Battalion, Police Regional Office 2, Tuguegarao.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo T. Layugan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kuwarto ng biktima.

Sa impormasyong nakuha ni Layugan kay Irene Castillo, 47, landlady sa NIC Apartment, isang nagpakilalang Joshua Pacete ang umupa ng isang ku­warto sa halagang P950 sa katwirang tatagal lamang siya ng limang araw.

Ang Room 202 ang ibi­nigay na silid kay Pacete.

Ilang oras umano ang nakalipas nang makarinig ng sigaw ng babae at putok ng baril ang maintenance ng gusali na si Lawrence Samonte, 44 , kaya inalam ang pinagmulan nito.

Una niyang nakita ang pag-alis ni Pacete sa kuwarto ng biktima na may bitbit na bag at nang tungu­hin naman ni Samonte ang silid ng biktima, kasama ang barangay kagawad na si Melquedes Leonor ay nakitang duguan at nakahandusay na ito.

Nang siyasatin, na­kita sa bag ng nasawi ang isang identification card na kamukha ni Pacete kaya natuklasang iisang tao lamang si PO1 Nathan Legasi at ang nagpakilalang si Joshua Pacete.

Hinihinalang pinagpla­nuhang sorpresahin at tik­tikan ng suspect ang kanyang misis hanggang sa ma­­pa­tay ito, na pinaniniwalaang selos­ ang dahilan. (with trainee May Ann del Prado)

vuukle comment

ALONZO T

ANG ROOM

APITONG ST.

IRENE CASTILLO

JOSHUA PACETE

KRIZZIA LEGASI

NATHAN LEGASI

PACETE

SHY

TUGUEGARAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with