^

Metro

Lalaki utas sa resbak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay sa resbak ang isang lalaki matapos na barilin ng umano’y kamag-anak ng kanyang unang sinaksak kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Federico Kimpes, ng Matiisin St., Tondo, Maynila sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Ginagamot naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Bernabe Rabe, 47, ng Masikap St., Tondo dahil sa saksak sa tiyan at braso mula kay Kimpes.

Sa report ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang nagsimula ang insidente sa covered court sa Kagitingan St., Tondo.

Nauna rito, nanonood ng basketball si Rabe nang lapitan siya ni Kimpes at walang sabi-sabing sinaksak ito.

May nakakitang kamag-anak ni Rabe sa pananaksak ni Kimpes sa una kaya nang papatakas ang huli ay sinundan siya at binaril na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Ang bangkay ni Kimpes ay kasalukuyang nakalagak sa Lorenzo Funeral Homes para sa awtopsiya at safe­keeping.

vuukle comment

BERNABE RABE

FEDERICO KIMPES

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

KAGITINGAN ST.

KIMPES

LORENZO FUNERAL HOMES

MASIKAP ST.

MATIISIN ST.

MAYNILA

RABE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with