^

Metro

Trader dinukot ng 'pulis'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang kinidnap ng anim hanggang pitong kalalakihan na pawang nakasuot ng police uniform habang nagbibisikleta sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Sa report na natanggap ni Police Supt. Jenny Tecson, chief ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District, kinilala ang biktimang si Vincent Cordero, ng Las Piñas City habang nagsa­sagawa pa ng follow-up ang mga kagawad ng pulisya laban sa mga suspect.

Ayon sa inisyal na report ni  P/Sr. Supt. Romulo Sapitula, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng umaga sa Versailles Subdivision, Daang Hari, Brgy. Almanza 2 ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na nagbibisikleta ang biktima nang biglang sumulpot ang isang puting Mitsubishi Adventure na may plakang WVX-237, sakay ang anim hanggang pitong kalalakihan na pawang nakasuot ng police uniform at armado ng mga baril at sapilitang sinakay ang biktima.

Lumilitaw na bago naganap ang insidente ay sinusundan pa ni Gerald Encarnacion, driver ng biktima na sakay ng gray na Innova ang pagbibisikleta ng kanyang amo sa loob mismo ng subdibisyon.

Laking gulat na lamang nang makita ni Encar­nacion na sapilitang pinasakay ng mga suspect ang kanyang amo sa Adventure.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CITY POLICE

DAANG HARI

GERALD ENCARNACION

JENNY TECSON

LAS PI

MITSUBISHI ADVENTURE

POLICE SUPT

PUBLIC INFORMATION OFFICE

ROMULO SAPITULA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with