^

Metro

600 kilo ng botcha nasamsam sa Pasay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - May 600 kilo ng carabeef ang nakum­piska ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office sa biglaang inspeksyon sa Pasay City Public Market kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang lusubin ng mga tauhan ng Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ro­naldo Bernasor ang naturang pami­lihan sa may Libertad St.

Agad na namataan ng mga tauhan ng pamahalaan ang daan kilong karne na nakaimbak sa ilalim ng mga puwesto ng mga tindero na nagmama­daling tumakas makaraang mabalitaan ang pagdating ng mga awtoridad.

Nabatid pa na isang nagngangalang Edith ang isa sa may-ari nang kanilang nakum­piskang double dead na kalabaw na binebenta sa nasabing palengke.

Bigo naman ang mga kinauukulan na mahuli ang mga may-ari ng kanilang nakumpiskang bulok na karne.­

Dinala naman sa crocodile farm sa may CCP Complex sa Pasay City ang mga nakumpiskang botchang karne para mapakinabangan ng mga alagang buwaya sa halip na mga inosenteng tao ang ma­biktima ng mga ito.

vuukle comment

BERNASOR

BIGO

DR. RO

LIBERTAD ST.

PASAY CITY

PASAY CITY PUBLIC MARKET

PASAY CITY VETERINARY OFFICE

SHY

VETERINARY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with