^

Metro

Pekeng BOC commissioner timbog sa entrapment

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mismong si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang humingi ng police assistance makaraang matumbok niya ang kinaroroonan ng kanyang impostor na nanghihingi ng salapi para sa mga nabiktima ng bagyong Sendong, at madakip sa entrapment operation kamakalawa sa Ermita, Maynila.

Sa harap mismo ni Comm. Biazon iprinisinta ng grupo ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang naarestong si Vimbi Avilla, 39, ng #651 M. dela Cruz St., Pasay City at diumano’y anak ng dating police captain ng Pasay City na si Jimmy Avilla.

Ito ay nagpakilalang si Ruffy Santos Biazon  at may gamit din na ‘Press’ iden­tification card na “Tribune”.

Ayon kay Biazon, sa personal na pagtungo nito sa MPD headquarters, isa sa collector ng Cagayan de Oro-BOC ang tinawagan ng suspect at humihingi umano ng mga pangalan ng top importers / exporters  ng BOC para mag-solicit.

Sa pagsususpetsa ng di binanggit na pangalan ng kolektor, ipinaalam ito kay Biazon sa main office at agad namang binigyan ng go signal ni Biazon ang collector na ibigay ang kanyang personal contact numbers.

Naisipan niyang tawagan ang suspect at magpakilalang empleyado naman siya ng isang Petroleum company at handang magbigay ng donasyon na hiningan naman ng suspect ng halagang P50,000.

Inisyal na P3,000 lamang ang inihulog ni Biazon sa M. Lhuiller-Sta. Mesa branch at ang P7,000 naman ay ini­hulog ulit sa M. Lhuiller na inabangan na lamang ng mga tauhan ng MPD, kung saan iwi-withdraw ng suspect.

Umaga nang i-claim sa branch sa Sta. Mesa at dakong alas-5:00 ng hapon naman sa branch  nito sa P. Gil, sa Ermita naman tinangkang i-withdraw ng suspect ang P7,000, na lingid sa kanyang kaalaman ay nakaposte na ang mga operatiba na dumakip sa kanya.

Kasalukuyan pang iniha­handa ang mga kasong Usurpation of Authority at robbery extortion laban sa suspect.

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CRUZ ST.

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

ERMITA

JIMMY AVILLA

PASAY CITY

RUFFY SANTOS BIAZON

USURPATION OF AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with