^

Metro

Abogado patay sa ambush

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 55-anyos na abogado makaraang tambangan ng mga hindi nakilalang salarin habang pababa ng sasakyan sa tapat ng kanyang bahay sa Las Piñas City kamakalawa.

Naisugod pa sa Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Atty. Felimon Tercero ngunit binawian din ng buhay makaraan ang isang oras dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang pananambang dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon sa tapat ng bahay nito sa Admiral Village, Brgy. Talon 3, ng naturang lungsod.

Pababa ang biktima sa kanyang Mitsubishi Pajero (RES-960) nang lapitan ng isang lalaki at agad na barilin nang malapitan sa ulo. Agad namang tumakas ang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, nabatid na napansin na ng mga kapitbahay ang pag-ali-aligid ng salarin sa bisinidad bago ang pamamaril.

Kagagaling naman ng biktima sa Las Piñas Hall of Justice matapos na dumalo sa pagdinig ng isang hinahawakang kaso nang paslangin ng hinihinalang bayarang hitman.

Iniimbestigahan naman nina SPO2 Ernesto Bautista at PO3 Gilbert Curaza ng Las Piñas Police Criminal In­vestigation Unit ang isang malaking kasong may ka­ugnayan sa paggawa o labor case na hinahawakan ng biktima na posible umanong maipanalo ng abogado bago siya napaslang.

vuukle comment

ADMIRAL VILLAGE

CITY POLICE

ERNESTO BAUTISTA

FELIMON TERCERO

GILBERT CURAZA

HALL OF JUSTICE

LAS PI

MITSUBISHI PAJERO

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

POLICE CRIMINAL IN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with