^

Metro

Dalaga, inatado ng nobyo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na dalaga ang nasawi matapos na dukutin, tadtarin ng saksak at barilin ng kanyang boyfriend na kawani naman ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) Reservation, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Charisse Ecogo, nakatira sa NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod matapos na magtamo ng 36 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tama naman ng bala sa hita buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police laban sa suspect na si Wilfredo Cabugao, 39, miyembro ng BuCor SWAT team, ng NBP.

Sa report na natanggap ni Chief Insp. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa Vicar Building, NBP Reservation.

Nabatid, na dinukot muna ng suspect ang biktima na nagkaroon  ng mainitang pagtatalo.

Dito na umano kumuha ng patalim ang suspect at inundayan ng saksak ang dalaga. Hindi pa nakuntento ang suspect at binaril sa hita ang nobya.

Matapos ang insidente ay dali-daling tumakas ang suspect at habang agad dinala sa ospital.

Patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulis kung saan selos ang isa sa mga motibong tinitignan.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

CHARISSE ECOGO

CHIEF INSP

JENNY TECSON

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

NEW BILIBID PRISON

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with