^

Metro

2 bagets sinumpak sa basketball court

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang dalawang binatilyo matapos na barilin ng sumpak ng kanilang nakalaban sa basketball sa Marikina City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Isabelo Lo­teria, 14, at Patrick Oli­per­nes, 13, kapwa ng na­­sabing lungsod na parehong ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Bara”, residente rin sa nasabing lugar.

Naganap ang insi­dente dakong alas-2:30 ng hapon sa Tumana Basketball court sa Ampalaya St. Brgy. Tumana, Mari­kina City.

Sinasabing naglalaro ng basketball ang mga biktima at kalaban naman ang grupo ng suspek nang aksidenteng mabalya ang huli na kanyang ikinatumba sa semento.

Sa pag-aakalang sinadya ng biktima ang pam­babalya ay nagalit ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Umuwi ang suspek para kunin ang kanyang sumpak at pagbalik nito ay agad na binaril si Loteria at nang umawat si Olipernes ay pinaputukan din ito.

vuukle comment

AGAW

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AMPALAYA ST. BRGY

ISABELO LO

KINILALA

LOTERIA

MARIKINA CITY

PATRICK OLI

SHY

TUMANA BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with