^

Metro

500 kilo ng botcha nasabat sa Divisoria

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 500 kilo ng double dead meat o ‘botcha’ ang nakumpiska sa mga vendor sa Divisoria, Maynila kamakalawa ng gabi .

Ayon kay Dr. Hector David­ Dimaculangan ng Manila Veterinary Inspection Board, nakatanggap sila ng impormasyon na may mga ‘’botcha na ibinebenta sa Divisoria market kung saan agad silang nagsagawa ng inspeksiyon, natagpuan nila ang apat na sako ng double dead na baboy na nakatago sa isang kariton sa palengke.

Wala namang umamin kung kanino ang karne na maputla at mayroon ng mabahong amoy.

Sinabi ni Dimaculangan na marami pa rin ang nagbebenta ng botcha dahil maliit lamang ang multa at parusa na umaabot lamang sa P1,000- P5,000 na may pagkabilanggong ng hanggang anim na buwan.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang MVIB kung saan nanggaling ang naturang karne.

Muling pinayuhan ng MVIB ang publiko na suriin ang binibili nilang karne at bumili lamang ng karne na may certification stamp.

vuukle comment

AYON

DIMACULANGAN

DIVISORIA

DR. HECTOR DAVID

MANILA VETERINARY INSPECTION BOARD

MAYNILA

NAGSASAGAWA

SINABI

TINATAYANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with