^

Metro

Traffic enforcer natigok sa hotel

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Posibleng inatake sa puso o binangungot ang 41-anyos­ na traffic enforcer na namatay habang naka-check-in sa isang maliit na hotel sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Lino Layson, traffic enforcer, ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA), ng Palanan St., Makati City. Pansamantalang inilagak sa Saint Yvan Funeral morgue ang bangkay nito.

Sa ulat ni SPO3 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang biktima ng kanyang kasama sa loob ng Room 324 Elite Hotel, na matatagpuan sa Quezon Boulevard, Quiapo.

Nag-check-in umano ang biktima kasama ang isang di pina­ngalanang  babae, dakong alas-10:00 ng gabi.

Inireport umano ng babae sa staff ng hotel na hindi na humihinga ang biktima. Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

vuukle comment

ELITE HOTEL

INIREPORT

LINO LAYSON

MAKATI CITY

MAKATI PUBLIC SAFETY ASSISTANCE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PALANAN ST.

QUEZON BOULEVARD

SAINT YVAN FUNERAL

VIRGO VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with