^

Metro

Suspect sa pamamaril sa 4, timbog sa ospital

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa ospital inaresto ang isang lalaki na wanted sa pa­ma­maril na ikinasawi ng isang babae at pagkasugat ng 3 pang indi­bidwal kabilang ang isang binatilyo na naganap noong naka­lipas na Hulyo 22, sa Tondo, Maynila.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng pulisya kamakalawa ng gabi habang naka-confined sa Manila Central University (MCU) Hospital ang suspect na si James Bryan Dean, alyas “JB Demonyo­” 26, ng Yangco St., Tondo.

Ayon sa ulat, ginagamot ang suspect dahil sa tinamong bala ng 9 mm. kalibre ng baril mula sa isa ring tinaguriang “JayR Bait” ‘trigger happy’ din ng Tondo, na inginuso naman ng concerned­ citizen kaya nasukol ito sa pagamutan.

Nasawi sa pamamaril ng suspect ang 45-anyos na si Angelita Santos, habang malubhang nasugatan ang isang Alexander­ Martin­, 15 at dalawa pang sina Rodolfo Garcia, 65 at Blas Antonio­, 43. Napag-alaman na ang suspect ay sangkot din sa robbery at direct assault nang lumaban sa mga awtoridad.

Matatandaang noong Hulyo 22 naganap ang insidente, dakong alas-11 ng gabi sa Coral at Franco Sts. nang biglang sumulpot ang suspect at pinaulanan ng bala ang tapat ng bahay­ ni Santos kung saan nagkukuwentuhan ang mga biktima­ na ikinasawi nito.

vuukle comment

ANGELITA SANTOS

AYON

BLAS ANTONIO

FRANCO STS

HULYO

JAMES BRYAN DEAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

RODOLFO GARCIA

SHY

YANGCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with